Kashokusei: Idol Shoukougun — Ken and Tobby’s Tagalog Cover

At ngayon, sa mga Pinoy na sumusubaybay sa aking blog at sa mga kung ano pang gawa ko na ina-upload ko publicly sa Internet, may bago akong Tagalog cover na ginawa, na may kasamang tulong ni Ken! Considering yung mga themes ng kantang ito, baka mabilis ‘tong sisikat…well, may iba pang factors na iimpluwensiya sa bilis ng pagsikat, pero anyway…

Heto ang Tagalog cover ng isang magaling na kanta ni Suzumu-sensei, “Kashokusei: Idol Shoukougun (過食性:アイドル症候群)!” Baka may maalala kayong mga artista sa totoong buhay kapag narinig n’yo ang kantang ito, at baka maging parang bomba ito sa ilang mga tao, dahil, sa tingin ko, ang kantang ito ay hindi malayo sa realidad. Gising, gising, Pilipinas! ^_^ HUWAG KAYONG MAGING DELUSYONAL. (O_O)

Ah, at huwag mag-alala! May pag-asa pa, at wala ang pag-asa sa karahasan at pagsisinungaling. Haah…parang naglabas ako ng nakimkim na galit doon, no? Well, nakakainis nga ang pagiging tamad habang magulo ang mundo…pero hindi ako susuko!

NGAYON, TIKMAN N’YO ANG ILANG PIRASO NG REALIDAD! HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!

Ah, at kung gusto n’yo, heto ang mp3 ng cover at ang pdf ng translyrics. Kung gagamitin n’yo ang aking lyrics para sa cover ng kantang ito, pakicredit ako sa upload descriptions n’yo! At please…HUWAG NINYONG KALIMUTAN NA SI SUZUMU-SENSEI ANG NAGSULAT NG MUSIKA AT NG HAPON NA LIRIKA NG KANTANG ITO. HUWAG N’YO DIN KALIMUTAN SI SAINE-SENSEI KAPAG PINAG-UUSAPAN ANG TAONG GUMAWA NG ILLUSTRATION AT ANIMATION PARA SA ORIHINAL NA UPLOAD NG KANTANG ITO.

At kung bakit ko sinulat yung all caps na reminder na sa ‘yun ng ganun, mukhang madami sa ating mga Pinoy ay madalas na naaalala ang mga kumanta, hanggang sa punto na nakakaligtaan ang mga taong tulad ng taong nagsulat ng musika, ang nagsulat ng mga lirika, ang mga nag-aarrange ng musika, ang mga gumagamit ng mga instrumento sa mga live band recording, at ang mga taong nag-aayos ng mga music videos at ng mga audio recordings nila. Oo, importante ang mga kumakanta, pero huwag na huwag n’yong maliitin ang mga ibang members ng production crew, please. 🙂

Advertisements

Feel free to say something!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s