Mukhang mas naiintidihan ko na kung bakit madalas na may mga featured vocalist ang mga rapper…
Ah, at hello muli sa inyo! Natagpuan ko ‘tong beat na ‘to habang dinadaanan ko din ang ilang mga magagandang instrumental remake ng mga K-Pop na kanta, at gusto kong sabihin na ang astig talaga nito, astig hanggang sa punto na lumiyab ang aking pag-iisip papunta sa paggawa ng hooked rap para dito! Maraming salamat talaga sa kaasitgan na iyon, Mr. Eddie Kaba!
Ah, at saka natipo kong mag-Pinoy ako para sa mga lirika dito, kaya ‘yon. 🙂
Nga pala, gusto ko ding magbigay ng pasasalamat kay Pat (a.k.a. MeelkyWay sa Wattpad), ang gumuhit ng magandang drawing na nakikita n’yo sa video! Masaya din ako sa aking paglagay ng effects para sa video kasama ng drawing na iyon, yo~ ^_^
At ngayon, heto na ang mp3 at ang lyrics sheet. Magbigay din kayo ng prangka ngunit matulungin na mga komento, okay?