So this is a Monday post and not a Sunday post. Only guy I think I should apologize to is myself here, considering how obscure I am, but surprisingly, I’m now feeling little to no regret about and a lot of gratitude and joy for the delays I had to go through for this production. I mean, I have a history of being a pretty impatient control freak, and I still need to be served many cans of whoop-ass for that and a lot more stuff. And of course, there’s the production itself, which I started two or three years ago and somehow managed to get to this point where I feel like I’m really pulling out all the stops with it, especially compared to everything else I’ve done before. So yeah, again, any actual good that comes out of this is ultimately thanks to God.
Now, more technical stuff. Remix lyrics were aimed to be English with some Tagalog in the first place, and the start of the first rap verse once had an attempt at referencing the beef between Machine Gun Kelly and Eminem, which eventually got replaced by Devil May Cry references as life subtly reminded me to be less like a clout-chasing rapper wannabe and try being more like the nerd that I actually am. Recording was definitely a challenge, too, especially considering how I went rough with my voice. Mixing and mastering was handled by Shigeru again, and while this sort of production is new to him, he managed to nail the roughness I was aiming for. Illustration was handled by OK!NA again, too, and there was a delay in making it, but in the end, she managed to deliver a very hilariously awesome result along with some motivating tips on making the video. And speaking of the video, I’m especially glad about my decision to make it 1080p instead of the usual 720p.
So yeah, I guess this whole production is another lesson on how change, especially delays, can be good. Praise and thanks be to God very much again!
Huh, ang tagal na pala since huli akong gumawa ng ganito. At akala ko pa na hindi ko ‘to matutuloy, hahaha~
Anyway, eto, isa pang cover ng isa sa mga pinakapaborito kong kanta, pero sa Tagalog naman! Nabuhayan ng malakas recently ang loob ko para sa pag-translate at sa paggawa ng musika kasi. Saka matagal na ‘to, baka isa o dalawang taon pa nga na tagal, pero nagkaroon ako ng kutob na pwede maging magandang-maganda itong kantahin sa Tagalog. Saka August 15, so ‘yon. XD
Ah, at this time, among other things, may mga harmonies ‘tong take na ‘to, ‘di tulad ng nakaraang attempt ko. Saka gumamit ako ng subtitle template ni vgperson para mas may style yung video saka para mas madali kong trabahuin ang video.
Also, gusto ko talaga ‘to ipakita sa mga kapamilya’t kaibigan ko. Maraming salamat sa Diyos uli! 😀
Ngayon, heto ang mp3, at heto ang lyrics sheet. Pa-credit at link din po kung gusto n’yo din pong gamitin ang lyrics ko para sa mga sariling cover n’yo po.
And of course, honest constructive feedback. Penge po ng honest constructive feedback.
Mukhang mas naiintidihan ko na kung bakit madalas na may mga featured vocalist ang mga rapper…
Ah, at hello muli sa inyo! Natagpuan ko ‘tong beat na ‘to habang dinadaanan ko din ang ilang mga magagandang instrumental remake ng mga K-Pop na kanta, at gusto kong sabihin na ang astig talaga nito, astig hanggang sa punto na lumiyab ang aking pag-iisip papunta sa paggawa ng hooked rap para dito! Maraming salamat talaga sa kaasitgan na iyon, Mr. Eddie Kaba!
Ah, at saka natipo kong mag-Pinoy ako para sa mga lirika dito, kaya ‘yon. 🙂
Nga pala, gusto ko ding magbigay ng pasasalamat kay Pat (a.k.a. MeelkyWay sa Wattpad), ang gumuhit ng magandang drawing na nakikita n’yo sa video! Masaya din ako sa aking paglagay ng effects para sa video kasama ng drawing na iyon, yo~ ^_^
Buod: Magulo ang pamumuhay ni Jojo Alejandro, at kasama na din doon ang kanyang kakaibang mundo ng mga panaginip, kung saan ang kanyang superpowered na katauhan na si Harang Salpakan ay nakikisalamuha at nakikipag-away kay Silaw Nangaraw. Pagkatapos ng sunod-sunod na talo sa pantasyang babae ng araw, napaisip ang nauulanang binata tungkol sa pagsunod sa payo ng kanyang mortal na kaaway sa panaginip…
Anyway, ang kanta ngayon ay isang kanta ni DECO*27, at…hmm…naaalala ko kung paano ko tinatrato ang sarili ko noong kamakailan lang…tulad nga ng sabi ko sa description ng mga video uploads ng cover na ito: Parang masyadong dedicated ako dito, ah?
Well, hanggang dito na muna ang usapan tungkol diyan. Parang may kulang sa akin kung pag-uusapan ko ng mas detalyado ang mga efforts ko sa paggawa ng cover na ito at iba pa habang sinasakripisyo ng matindi ang kalusugan ko at iba pang mga mas mahalagang bagay kasi. Kailangan ko na muna mag-isip ng mabuti at makipag-usap sa mga mabuti…
Eleksyon bukas, at excited ako, kahit kung nandiyan ang presensya ng gulo. Ang dami ko ding nakain ngayong araw, at kailangan ko pa maging mas matiyaga pagdating sa diet at ehersisyo sa mga susunod na araw. Kailangan ko ding maging mas matiyaga pagdating sa pag-aaral, lalo na sa panahon ng paglapit ng dulo ng kasalukuyang semester ko sa unibersidad. Astig ang aking pamilya–special mention sa mga magulang ko–at mukhang ginawa akong hyper ng mga softdrinks na nainom ko ngayong araw.
Ah, at huwag kalimutan ang pag-credit sa akin, The Overlord Bear, kung nais n’yong gamitin ang aking mga lirika. Mas maganda din kung i-link n’yo din ang YouTube Channel ko at/o ang blog na ito habang nagbibigay kayo ng credit sa akin.